📱

Magbasa ng Bibliya Offline at Talaarawan ng Panalangin sa Mobile

Kulayan ang mga talata, pansariling tala, at araw-araw na paalala sa panalangin.

Psalms Kabanata 124

Ang Dating Biblia 1905 • 8 mga talata

🔊
Basahin nang malakas (Web Voice)
🇵🇭 Tagalog • Ang Dating Biblia 1905
1Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
2Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
3Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
4Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
5Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
6Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
7Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
8Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.